24/02/2026
First time ko nakita si ate, residente siya dito sa HK, kapatid siya ng isa sa mga client ko. Habang naghahanap kami ng makakainan, sabi nya, "sagot ko na dinner nyo lahat."
Nagulat ako, I just met her. Nung nkahanap kmi ng table, binigay nya kagad ung card nya pra umorder kami ng food. Naisip ko, ang sarap ng ganito noh, ung hindi laging petsa peligro, ung ok lang kahit manlibre ka, ung hindi mabigat pra sayo..
Then kwentuhan na, tawanan, tsismisan. Then nalaman nya na I'm sharing financial education sa mga kapwa ko OFW. At natuwa siya, sabi nya, ang kailangan tlga ng mga OFW ay tamang kaalaman sa money management kc maraming OFW ang malaki ang kinikita pero hindi nkakapag ipon nang tama..