17/06/2026
Kailangan matuto din tayong magbayad para sa sarili natin yan ang laging nireremind namin to pay for yourself first.
Many people are buried in debt not because they are irresponsible, but because they carry the weight of helping others.
Minsan hindi luho ang dahilan ng pagkakautang. Minsan pagmamahal ito—gamot ng magulang, pag-aaral ng kapatid, pagkain ng pamilya, at iba pang responsibilidad.
Kaya bago tayo manghusga, alalahanin nating may mga taong tahimik na nagsasakripisyo para sa mga mahal nila sa buhay.
Ngunit habang tumutulong tayo sa iba, huwag din nating kalimutang alagaan ang sarili nating kinabukasan. Mag-ipon, magplano, at maghanda habang may pagkakataon.
At higit sa lahat, magtiwala sa Panginoon. Siya ang nagbibigay ng lakas sa mga pagod, pag-asa sa mga nahihirapan, at karunungan sa bawat desisyong ating ginagawa.
"Cast all your anxiety on Him because He cares for you." – 1 Peter 5:7
Learn about financial literacy dahil libre lang to pero malaking tulong para sa bawat isa.