07/10/2023
Masipag ka ngayon, May pera ka ngayon?
Malakas ang Income mo, Sobra sobra ka kung magwaldas ng pera?
Kapag marami kang Pera at Income, Marami kang Friends, marami kang kamag anak, maraming sasalubong sa iyo kapag ikaw ay pauwi galing abroad.
Mahilig ka magbigay at halos lahat ng sahod pinapadala mo sa pamilya mo at lahat ng kamag anak naaambunan ng pasalubong.
Pero ngayong matanda kna at mahina nakumita, halos wala nang sumasalubong sa iyo.
Halos di kana kilala.
Tatanda ka nalang sa abroad sa kakatrabaho pero wala man lang naipon at wala man lang natira para sa sarili mo.
Mga kwento sa likod at base sa buhay at kwento ng mga taong nakakausap namin.
Noong malakas pa kumita maraming nakakilala halos lahat ng makasalubong kamag anak.
Pero kapag wala ka na di ka na rin kilala.
Ngayon Bakit kaming mga Financial Educator ay makulit? Dahil sa kwentong ito. Ayaw naming pagsisihan mo sa huli ang pagiging galante mo at di ka na nagtira para sa sarili mo.
Di masamang magbigay at tumulong sa kamag anak.
Pero bago ang lahat ng pagtulong mo.
Tulungan mo muna ang sarili mo, bayaran mo muna ang Future mo.
Pay yourself First.
Bago magbigay sa iba, wag mo din pagdamutan ang sarili mong Future.
Mag ipon ka bago magbigay.
Mag-save ka bago magregalo.
Mag invest ka bago mag pautang sa iba.
At huwag ka magpautang kapag niloloko at inuuto ka nalang ng mga nagpapakilalang kamag anak or closed Friend kahit ngayon mo lang naman sila nakilala kung kailan may Magandang Income ka na.
Lalo na yung Hi Friend Kamusta”
Baka naman pwede pautang”
Huh! kakafriend Request lang sayo tapos ang bungad pautang kaagad?
“Gising Pinoy”
oh! napahaba na kwento ko.Lahat tayo may karapatan na mabago ang buhay.
https://301197eu.imgcorp.com
Ccto