25/10/2024
"Wag mo gagastusin ang naipon mo. Itago mo lang"
Growing up, yan ang naririnig kong financial advice sa magulang ko.
Syempre, lumaki ako na ganyan ang naituro sakin, yun na din ang ginagawa ko.
Until I realized, mali pala ang advice sakin ng parents ko.
Well, not entirely wrong, but kulang. It should be "Pag nakapag-ipon ka na, palakihin mo, nak."
One factor din siguro bat konti lang ang investors sa Pilipinas, kasi lumaki tayo sa words na "mag-ipon" lang. Takot tayong ilabas ang pera natin for investments, businesses kasi paano kung mag-fail? Paano kung masayang lang yung naipon? Nakakatakot na at the end mapapasabi ka nalang ng, "Dapat inipon ko nalang".
New generation, new mindset. Baka may younger sibling ka, or may anak ka na, o may planong magka-anak someday, teach them how to handle and grow their money. Let's help them. Hindi man tayo namulat sa personal finance and investments nung bata pa tayo, we can be the guidance that WE NEEDED when we were young sa next generations.
Financial literacy should start at home, educate your little ones 😊